Terms of Use
Huling update: Nobyembre 12, 2026 · [DRAFT: ipa-review sa abogado bago i-publish]
1. Ang serbisyo
Ang Nexistry Academy Learn (learn.nexistryacademy.com) ay nagbebenta ng online courses na pinapatakbo ng Nexistry Digital Solutions. Kapag bumili ka, nakakakuha ka ng personal at hindi naililipat na access sa mga course na binili mo.
2. Presyo at VAT
Lahat ng presyo ay nasa Philippine Peso (PHP) at exclusive of 12% VAT. Idinadagdag ang VAT sa checkout. Ang mga bayad gamit ang foreign card o PayPal ay kino-convert ng iyong bangko o PayPal.
3. Walang refund
Digital ang mga course at agad na naa-access pagkabayad, kaya final ang lahat ng purchase at walang refund. Mayroon kaming libreng VA Reality Check para masubukan mo muna ang aming paraan ng pagtuturo bago bumili.
4. Ang iyong account
Ang email na ginamit mo sa pagbili ang iyong username. Isang device lang ang pwedeng naka-login sa isang pagkakataon. Ikaw ang responsable sa pag-iingat ng iyong password.
5. Bawal i-share o i-resell
Bawal kopyahin, i-screenshot para ipamigay, i-record, i-share ang account, o ibenta ang anumang bahagi ng mga course. May nakatagong pagkakakilanlan ang bawat lesson. Kapag may paglabag, maaari naming i-suspend o tanggalin ang access nang walang refund, at gumawa ng legal na aksyon.
6. Walang garantiya ng kita
Ang mga halimbawang rate at sahod sa aming pages ay batay sa mga pampublikong job post at hindi garantiya ng kita. Nakadepende ang resulta sa iyong sipag, skill at oportunidad.
7. Medical VA courses
Ang aming Medical VA courses ay para sa administrative at non-clinical na trabaho lamang. Hindi ito kapalit ng medical license o anumang opisyal na certification.
8. Mga pagbabago
Maaari naming i-update ang Terms na ito. Ipapaalam namin ang malalaking pagbabago sa pamamagitan ng email o ng page na ito.
9. Contact
support@nexistryacademy.com