Privacy Notice
Huling update: Nobyembre 12, 2026 · [DRAFT: ipa-review sa abogado bago i-publish]
Iginagalang namin ang iyong privacy alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).
Anong data ang kinokolekta namin
- Pangalan at email (para sa iyong account at mga abiso)
- Mga binili mo at progress mo sa courses
- Payment status (hindi namin sine-save ang card details; ang PayMongo, Stripe at PayPal ang humahawak nito)
- Basic technical data gaya ng IP address, para sa seguridad
Paano namin ito ginagamit
- Para gawin at patakbuhin ang iyong account at access
- Para magpadala ng mga email tungkol sa iyong account at mga course
- Para sa marketing ng aming ibang programa, na pwede mong i-unsubscribe anumang oras
- Para sa accounting at tax requirements
Kanino namin ito ibinabahagi
Sa aming mga service provider lamang: PayMongo, Stripe at PayPal (bayad), at ang aming CRM at email system. Hindi namin ibinebenta ang iyong data.
Ang iyong mga karapatan
Pwede mong hilingin na makita, itama o burahin ang iyong personal data. Mag-email sa support@nexistryacademy.com.